Ang isang lipunan upang maging matatag, kailangan niya ang mga sektor. Ito ay mga organisadong mga institusyon upang magbigay-pansin sa espesipikong pangangailangan ng mamamayan nito. Ang mga sektor na ito ay ang mga sumusunod:
Pamilya bilang ang Pundasyon ng Pagkakakilanlan
Paaralan bilang ang Pundasyon ng Kaalaman
Simbahan bilang ang Pundasyon ng Moralidad
Pamilya bilang ang Pundasyon ng Pagkakakilanlan
Ang pamilya ang unang grupo na kinabibilangan ng isang indibiduwal. Malaki ang epekto nito sa pagpapalaki sa isa yamang dito siya nahuhubog partikular na ang kaniyang personalidad, pagkakakilanlan, pangangailangan sa emosyon o pisikal man.
Kaya hindi tayo magtataka kung bakit ang pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng lipunan. Makikita kasi sa loob ng pamilya ang karapatan at obligsyon; indibiduwal at bilang grupo; pagkakaisa at disiplina. Ang maraming pamilya ang bubuo sa lipunan.
Paaralan bilang ang Pundasyon ng Kaalaman
Pumapangalawa naman ang paaralan sa institusyon na naglalaan ng gabay para sa isang indibiduwal. Mula sa edad na apat hanggang sa taong 18, ang isa ay hinihilingan na pumasok sa sekular na paaralan upang kumuha ng kaalaman, kasanayan at sertipiko ng pagtatapos.
At ang isa ay malaya sa pagpili ng propesyon na magagamit naman niya para sa pagpapasulong ng kaniyang naabot na antas ng kasanayan at kaalaman. Ang institusyong ito ay kailangan ng lipunan upang magpatuloy ang mga proseso at sumulong pa ang proseso.
Simbahan bilang ang Pundasyon ng Moralidad
Ang simbahan o institusyon ng relihiyosong pagsamba ng isa ay mahalaga yamang nahuhubog nito ang moralidad o kagandahang-asal ng isa. Kung matatag ang relasyon ng tao sa kaniyang Maylikha, mas matatag din ang kaniyang pamumuhay at makikita ito sa masulong na lipunan.
Naaapektuhan kasi nito ang katapatan at pagiging responsable ng mamamayan dahil sa pagsunod sa matatas na mga moral na pamantayan. Maaaring hindi ito naaabot ng mga module sa paaralan ngunit naaabot ang puso dahil sa personal na kaugnayan ng isa sa Diyos.